Environmental complaint laban sa China malapit nang matapos – ayon sa DOJ

Inanunsyo ng Department of Justice na malapit ng matapos ang reklamong isasampa laban sa China kaugnay sa pinsalang ginawa nito sa West Philippine Sea.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Ayon kay Justice spokesperson assistant Secretary Mico Clavano, ilang linggo na lamang ay matatapos na ang ginagawa nilang evidence gathering.

Patuloy aniyang nakikipag-ugnayan ang DOJ sa Office of the Solicitor General upang masiguro na matibay ang isasampang environmental complaint laban sa China.

Read More:  Malacañang won’t stop young Filipinos from working abroad

Mababatid na matagal ng pinag-aaralan ng pamahalaan na magsampa ng kaso laban sa China dahil sa mga pang-aabusong ginagawa umano nito sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.