BFAR – nanindigang ‘di tatalima sa ‘fishing ban’ ng China

Nanindigan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ‘di kikilalanin ng Pilipinas ang ipinatupad na unilateral fishing ban ng China.

Ayon kay BFAR spokesperson Nazario Briguera – hindi raw dapat tumigil sa pangingisda ang mga Pilipino.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Aniya, tuloy lang sila sa kanilang mga fishing activities, lalo na’t sa atin ang mga teritoryong kine-claim ng China.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Matatandaaang may apat na buwang fishing moratotium ang China na magtatapos sa Setyembre.

Sa ngayon, tuluy-tuloy lang umano ang kanilang mga misyon na maghatid ng tulong sa mga mangingisdang Pilipino.