PNP Chief Marbil, inatasan na ang CIDG para magsagawa ng imbestigasyon sa koneksyon umano ni Mayor Guo sa Chinese Communist Party

Inatasan na ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang Criminal Investigation and Detection Group at Intelligence Group para magsagawa ng imbestigasyon para kumpirmahin ang impormasyon na konektado umano si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Chinese Communist Party.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Pagtitiyak ni Marbil, lahat ng impormasyon na kanilang natatanggap ay pinagsasama-sama upang masiguro na tama ang kanilang imbestigasyon.

Matatandaang isinasangkot si Guo sa operasyon ng Philippine offshore gaming operator hub sa Bamban na sinalakay ng mga operatiba dahil sa iba’t ibang illegal activities.

Read More:  Shooting at Ateneo de Zamboanga University leaves two dead

Nabatid na base sa mga kumalat na post sa social media, ang pamilyag Guo ay isang malaking pamilya mula Fujian na kilalang lugar ng mga komunista.