Mga bangka at kabahayan sa Patnanungan, Quezon, winasak ng bagyong aghon

Hindi nakaligtas ang bayan ng Patnanungan, Quezon sa hagupit ng bagyong Aghon ng ito ay mag landfall sa nasabing bayan alas-7:00 ng gabi nitong Linggo, Mayo 26.

Maraming mga bangka ang nawasak at lumubog sa sa iba’t-ibang barangay na siyang pangunahing ginagamit panghanapbuhay ng mga residente ng lugar.

Read More:  19 passengers rescued after motorboat sinks off Cebu

Ilang lugar din ang nakaranas ng pagbaha at winasak din ng lakas ng hangin at ulan dala ng bagyo ang ilang mga kabahayan sa naturang bayan.

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City

Sa ngayon, wala pang suplay ng kuryente sa lugar at hirap pa rin sa signal ng telepono.

Samantala, nakaranas din ng pag baha ang ilang bahagi ng bayan ng Burdeos, Quezon dulot ng malakas na ulan dala ng bagyong Aghon.