Kaso laban sa apat katao na nahulian ng baril, inihahanda na!

MAHAHARAP sa kasong paglabag sa Republic Act.# 10591 ang apat na kalalakihang naharang ng mga otoridad ng bayan ng Datu Abdullah Sangki na may dalang baril at Granada noong July 8, 2021.


Sinabi sa Brigada News FM Cotabato ni Datu Abdullah Sangki PNP Chief, Police Lieutenant Judith Ambong na wala umanong naipakitang dokumento ang mga suspek na legal ang pagdadala nila ng mga armas.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City


Kinilala ni Lieutenant Ambong ang mga sakay ng Hyundai Accent na may plate # ABC 6017 na sina Taib Guimbalangan 55, Merciful Zainudin 27, Ali Mohamad 25 at Farhan Saludin 20 years old na pawang residente ng Barangay Pidsandawan sa bayan ng Rajah Buayan, Mgauindanao.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts


Sa kasalukuyan nakakulong na sa lock-up cell ng DAS PNP ang mga suspek habang ang dalawang M16 armalite riffle na may mga bala at isang grenade launcher na narekober sa kanila ay nasa kostudiya rin ng mga otoridad para sa ballistic examination.