Muling magpapatupad ng malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas.
Pinangunahan ng kompanyang Pilipinas Shell, PTT Philippines, Petron, Petro Gazz at Seaoil ang dagdag presyo na P1.15 sa kada litro ng gasolina, P0.60 sa kada litro ng diesel at P0.65 sa kada litro naman ng kerosene epektibo alas-6 ng umaga.
Magpapatupad din ng dagdag presyo sa mga produktong gasolina at diesel ang kompanyang Cleanfuel sa kahalintulad na halaga na magiging epektibo alas-4:00 bukas ng hapon.
Ito na ang ika-pitong sunod-sunod na linggo na nagpatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis sa bansa.
Ang isinagawang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod pa rin sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.