Lucena city, isinailalim sa State of Calamity; Nasa 6000 na indibidwal, inilikas

Isinailalim sa State of Calamity ang Lucena City, Quezon dahil sa pinsalang iniwan ng bagyong Aghon sa naturang lungsod.

Tumama ang bagyo at nag landfall ito bandang alas-4 ng umaga sa coastal water ng Lucena City nitong Linggo, Mayo 26.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Umabot na sa nasa 6000 na indibidwal ang naapektuhan ng naturang bagyo at inilikas sa mga evacuation centers.

Nagdulot din ito ng pinsala sa mga ari-arian, paaralan, at pananim sa lungsod. Lumubog din sa baha ang ilang paaralan sa Lucena City dulot ng pag apaw ng mga malalaking ilog sa lungsod.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Sa ngayon, humupa na ang baha sa ilang bahagi ng lungsod.

Samantala, patuloy ang isinasagawang pagtulong at pag-alalay ng lokal na pamahalaan sa mga apektadong Lucenahin.