NDRRMC, naka red alert na dahil sa Bagyong #AghonPH

Inilagay sa red alert ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang tumugon sa mga epekto ng Tropical Storm Aghon sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Director Edgar Posadas, mahigpit nilang binabantayan ang bagyo at ang maaapektuhan nito, kaya’t humingi na rin sila ng tulong sa iba pang uniformed personnel.

Read More:  Rep. Edgar Erice urges Congress to scrutinize questionable 2027 budget

Nag-preposisyon ang NDRRMC g mahigit P3.4 bilyon na standby funds para sa pagkain at non-food items upang maipamahagi sa mga apektadong indibidwal.

Read More:  DepEd to establish 13 new division offices to improve services in remote schools

Sa ngayon, mayroon ng 2,734 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo sa Bicol at Eastern Visayas regions dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa.