PNP patuloy na iniimbestigahan ang di umano’y  dalawang magkasunod na insidente ng pamumukpok sa ulo ng hindi pa matukoy na suspek sa bayan ng Basud

CAMARINES NORTE – Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang mga report na kumalat sa social media hinggil sa di umano’y dalawang magkasunod na insidente ng pamumukpok sa ulo nang hindi pa matukoy na suspek sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Sa isang pahayag, sinabi ng Basud Municipal Police Station na nagsasagawa na ito ngayon ng hot pursuit operation katuwang ang mga opisylaes ng barangay para mahanap ang suspek.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Batay sa ulat, nangyari  di umano ang huling insidente ng pamumukpok sa ulo dakong alas 7:00 ng gabi noong Sabado, Mayo 25, 2024 sa Purok 4, Barangay San Felipe, sa nabanggit na bayan habang ang unang insidente naman ay dakong 6:00 ng umaga sa Sitio Calambusing ng parehong barangay.  Ang mga biktima ay na dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital upang magamot.

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City

Nanawagan rin ang PNP sa posibleng nakakita sa suspek  na makipag ugnayan sa kanilang himpilan.