DICT – tiniyak na kino-contain na ang mga magkakasunod na data breaches sa bansa

Tiniyak ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na mayroon na silang mga hakbang para matugunan ang na nangyaring alleged breaches kamakailan sa Philippine National Police (PNP).

Ayon sa DICT – mayroon na silang mga nakalatag na containment procedures para rito.

Maalala kasing sa loob lang ng isang linggo ay dalawang sistema ng PNP ang nagkaroon ng hinihinalang pag-atake.

Read More:  Senate Impeachment Court orders VP Sara Duterte to appear Monday

Samantala, sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Art Samaniego Jr., Tech Editor ng Manila Bulletin, at isang cybersecurity analyst, sinabi niyang mahalagang matiyak na matatag ang cybersecurity ng bawat government agencis.

Read More:  DepEd urges schools to partner with parents to prevent school violence

Bagamat mayroon na kasing mga hakbang ang DICT para matiyak na secure at ‘di mabi-breach ang mga government offices – sinabi ni Samaniego na maiging mayroong isang eksperto sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Aminado rin si Samaniego na sa ngayon – kulang na kulang pa ang mga cybersecurity experts sa bansa.