Alyansa ng PFP at NPC, hindi lang para sa pulitika ayon kay Pangulong Marcos

Pormal nang naselyuhan ang alyansa para sa Bagong Pilipinas ng Partido Federal ng Pilipinas o PFP at ng Nacionalist Peoples Coalition o NPC.

Sinaksihan ni Pangulong Bongbong Marcos ang naganap na alliance signing nitong Sabado.

Sa kanyang talumpati, idinepensa ng Pangulo na ang ginagawa nilang pakikipag alyansa sa ibang partido ay hindi lang para sa pulitika, kundi ito anya ay pagtutulungan para mapadali ang pagseserbisyo sa taumbayan.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Anya ang agenda nila ay ang pag unlad ng bansa.

Sinabi pa ng Pangulo na matagal nang nagtutulungan ang kanilang mga partido, at malalim na ang pinagsamahan, kaya ang alliance signing ay pagsasapormal na lang ng kanilang relasyon.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Nabatid na una nang nakipag alyansa ang partido ni Pangulong Marcos na PFP sa partido ni House Speaker Martin Romualdes na Lakas-CMD.