54-anyos na kawani ng LGU Virac Catanduanes, arestado sa ikinasang illegal drug buy-bust operation

BNFM Bicol—ARESTADO ang isang 54-anyos na tinago sa alyas “Ric”, may asawa, na isa ring empleyado ng lokal na pamahalaan ng Virac sa Catanduanes.

Sa isinagawang Anti-illegal drug buy-bust operation nitong nakaraang Linggo mag-aalas 12 ng hating-gabi sa isang lodging house sa naturang bayas naaresto ang suspek dahil sa pagbibenta ng hinihinalang shabu sa isang nagpanggap na buyer.

Sa ngayon, nasa kustudiya na  ng PNP si alyas ‘Ric’ na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. ###

Courtesy: officialgazette.gov.ph