PBBM: Pamahalaan, nakahanap na ng solusyon para mapababa ang presyo ng bigas

Determinado pa rin si Pangulong Bongbong Marcos na sertipikahan bilang urgent ang pag amyenda sa Rice Tariffication Law.

Gayunpaman, sinabi ng Pangulo na mukhang may magandang usapan na ang kongreso at senado.

Read More:  House prosecution: ‘typo’ issue won’t erase evidence against VP Sara Duterte

Nakahanap na rin anya ng solusyon ang pamahalaan para makapag import ng bigas ang gobyerno at mapababa ang presyo nito.

Sinabi ni Pangulong Marcos na bagamat iba ang mekanismo ng solusyon na nahanap nila kumpara sa unang ipinapanukala, pero makakapag import pa rin at makakapag benta ng bigas ang pamahalaan.

Read More:  Grade 4 student dies after school deworming in Cavite

Ayon sa Presidente, hindi pa niya alam kung anong ahensya ang mauuna pero naniniwala syang mapapababa nito agad ang presyo ng bigas.