Estudyante , patay sa aksidente sa jeep sa Balatan, Camarines Sur

CAMARINES SUR- Patay ang isang estudyante matapos na maaksidente ang jeep na sinasakyan nito sa Balatan, Camarines Sur bandang alas-10 nitong Huwebes Mayo 16, 2024.

Ayon sa Balatan PNP , nangyari ang aksidente sa paibabang parte ng Barangay Cabanbanan habang tinatahak ng jeep na minamaneho ni “Manuel”, 59-anyos ang daan mula sa Nabua patungo sa Balatan, nawalan ng preno ang sasakyan. Bumangga sa riprap ang jeep , tumagilid at bumaliktad pa. Sugatan ang pitong mga sakay na ang iba ay napaiyak pa sa sakit, pero matinding tama ang tinamo ni Francis Roy Bernales Buhain dahil nahulog at naipit o nadaganan ng jeep. Dinala sa ospital ang mga sugatan pero sinawimpalad si Buhain.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Inaalam ngayon ng PNP kung nag overload ang driver o tama lamang sa capacity pero malinaw na may topload ito. Nasa kostudiya ng PNP ang driver. Samantala, kaagad namang nag flashing ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa kalsada dahil tumagas na ang gasolina ng sasakyan, delikado pa ang madulas na kalsada sa ibang dumaraan.
Nagpaabot ng pakikiramay ang mga guro , kaklase at kaibigan ng 19-anyos na si Francis, inalala siya na palakaibigan at nagpapasaya sa mga kaklase. Ang mga iyon ay magiging bahagi na lamang ng kanilang masayang ala-ala sa paaralan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City