48°C Heat index naitala sa Pili , Camarines Sur ; mga resorts dinarayo

NAGA CITY- Muling naitala ang mataas na heat index sa Camarines Sur. Base sa monitoring ng DOST-PAGASA Pili Station umabot sa 48°C ang heat index alas-tres Lunes ng hapon , Mayo 13, 2024, klasipikado itong danger level.

Read More:  17-year-old girl dies in drowning in Cebu as father raises foul-play concerns

Negatibo man para sa marami ang sobrang init ng panahon, biyaya naman itong maituturing ng mga resort owners sa lugar. Ayon kay Assistant Tourism Head Maureen Saunar, mahigit 30 na ang resort sa capital town, mayroon pang mga talon sa sakop ng Mt. Isarog.

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Maluwag ang oras ng mga estudyante sa pagpapatupad ng asynchronous classes kaya hindi pa man bakasyon ay dagsa na ang mga nasa resort. Iniikot ng tourism office ang mga resort sa pagtitiyak ng kaligtasan ng mga dumarayong hanap ang mapreskong lugar.