Dingdong Dantes, giniit na fake news na may anak siya kay Lindsay De Vera

Nilinaw ng aktor at TV host na si Dingdong Dantes na walang katotohanan ang kumakalat na balitang naanakan niya ang aktress na si Lindsay De Vera.

Read More:  Ellen Adarna shows off cash support from John Lloyd Cruz for son Elias

Ayon kay Dingdong nagtataka siya kung bakit laging nabubuhay ang isyu kahit paulit-ulit na nila itong pinapabulaanan.

Nagsimula ang isyu apat na taon na ang nakararaan ngunit muling lumabas sa internet nitong mga nakaraang araw.

Read More:  Moira Dela Torre addresses Sam Milby-Catriona Gray breakup rumors

Mababatid, na nilinaw na ito ni Lindsay noong 2021 kung saan nagplano pa siyang maghain ng mga kaso laban sa mga nakibahagi sa pagpapakalat ng tsismis.