Lalaki sa Macalelon, Quezon, sugatan matapos tagain dahil sa away sa lupa

Sugatan ang isang lalaki matapos itong magkatulong na tagain ng dalawang suspek sa Macalelon, Quezon kamakailan.

Ayon sa report, nagkaroon umano noon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng dalawang suspek dahil sa usapin sa lupa kung saan ay doon na siya hinabol at inatake ng taga gamit ang bolo ng mga ito.

Read More:  Tricycle driver shot dead in broad daylight by riding-in-tandem gunmen in Cebu
Read More:  Army soldier, wife killed after Bacolod family dispute

Nagtamo ng taga sa likod at balikat ang biktima kung kaya isinugod ito sa hospital para malapatan ng lunas.

Sa ngayon, patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang nasabing insidente.