Pagkatao at nationality ni Tarlac Mayor Guo, tila kaduda-duda – senadora

Inamin ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na tila nalunod siya sa naging rebelasyon ng pagkatao ni Tarlac Mayor Alice Guo sa kanilang isinagawang pagdinig kahapon.

Ito ay matapos lumabas na wala ito ni isang school o hospital records.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Dagdag pa niya, napag-alaman din nilang Filipino name lang ng kanyang tatay ang Angelito Guo at ang totoong Chinese name nito ay Jian Zhong Guo.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Kaugnay nito, binigyang-diin ng senadora na marami pang dapat bigyang-linaw ang alkade kung kaya’t ni-request na nila ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) at Statement of Contribution and Expenditures (SOCE) nito.