NBI – iimbestigahan na rin ang deepfake audio ni PBBM

Sisiyasatin na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang deepfake audio ni Pangulong Bongbong Marcos kung saan maririnig na ipinag-uutos nito sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na gumawa ng aksyon laban sa China.

Read More:  Bong Go leads 2028 vice presidential preference survey with 31%

Ito ay kasunod ng direktiba ng Department of Justice hinggil sa audio content na ginamitan ng boses ng Pangulo.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla, kailangang mapapanagot ang mga taong nasa likod ng deepfake audio.

Read More:  Loren Legarda extends medical leave as Senate confirms absence

Dahil dito, dapat aniyang mapabilis at maging komprehensibo ang imbestigasyon para matunton na nang tuluyan ang katotohanan.