Akbayan Party: mag-issue na ng HDO laban kay Quiboloy

Naghain ang Akbayan Party ng letter-petition sa harap ng Department of Justice (DOJ) na humihimok ng ahensya na mag-isyu ng Hold Departure Order (HDO)laban kay Apollo Quiboloy.

Ayon kay Akbayan President Rafaela David, kailangang managot ni Quiboloy sa mga akusasyong-pang-aabuso na kinahaharap nito.

Read More:  Garin rejects claims linking saliva, runny nose to lying

Iginiit din ng grupo na ang pagpapahintuloy kay Quiboloy na makaiwas sa hustiyas ay pagpapakita ng kawalan ng katarungan para sa mga kababaihan.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Dahil dito, hindi umano dapat ipagsawalang-bahala ang mga krimeng ipinupukol sa televangelist.

Nanindigan ang Akbayan Party na ang paglalabas ng HDO laban kay Quiboloy ay hindi lamang isang legal obligation, kung ‘di isa ring moral imperative.