Iisang panuntunan sa pagpapatupad ng class suspension, binabalangkas

Isinagawa ang pagpupulong sa pagitan ng Schools Division Office (SDO) ng Isabela at local chief executive sa lalawigan.

Layunin nito na magkaroon ng iisang panuntunan sa pagpapatupad ng class suspension ngayong patuloy ang pagtaas ng heat index sa probinsiya.

Read More:  17-year-old student caught with suspected marijuana during school inspection in Bacolod

Magsisilbing daan ang pagpupulong upang makabuo ng mga paraan sa pagtugon ng negatibong epekto ng tumataas na heat index nang hindi naaapektuhan ang pag-aaral ng mga bata.

Ang pulong ay bunsod ng umano’y pagkakaiba ng nilalaman ng mga inilalabas na kautusan ng mga alkalde sa suspension ng face-to-face classes.

Read More:  Six former violent extremists surrender in Maguindanao del Sur

Ayon kay Schools Division Superintendent Dr. Rachel Llana, sa pamamagitan ng iisang panuntunan ay hindi malilito ang mga magulang at mga mag-aaral.