PISTON at MANIBELA, muling magsasagawa ng panibagong kilos protesta sa April 29-30

Isang linggo na lang bago ang deadline ng franchise consolidation para sa PUV Modernization Program, muling magkakasa ng dalawang araw na transport strike ang Grupong PISTON at MANIBELA sa April 29 hanggang April 30.

Ayon kay Ruben Baylon, Deputy Secretary General ng PISTON, ito na ang kanilang pinaka todong protesta.

Giit pa ni Baylon, tuloy ang kanilang laban at hindi sila nawawalan ng pag-asa na kakatigan sila ng Korte Suprema.

Hindi rin sila papayag na pasukin at kontrolin ng mga korporasyon ang pampublikong transportasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *