PCG, magde-deploy ng 6 barko para sa Balikatan exercise

Magde-deploy ang Philippine Coast Guard ng anim na barko para sa lumalawak na Balikatan war games dahil sa tumitinding tensyon sa West Philippine Sea.

Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, apat na 44 meters multi-role response ang ipapakakalat sa hersisyon na magsisimula sa susunod na linggo.

Read More:  China Coast Guard fires water cannons at Philippine vessels for second straight day

Magkakaroon din ng trilateral patrols sa pagitan ng Pilipinas, Amerika at France sa West Philippine Sea, ngunit hindi pa malinaw kung lalahok ang PCG.

Read More:  Two suspects arrested in killing of political vlogger Mima Alicia

Sa ngayon, ang PCG ay may dalawang 97-meter MRRV na siyang pinakamalaking sasakyang-dagat sa fleet nito.