Nababakunahan sa Batangas City, nasa 13% pa ng higit 266k para sa herd immunity

Nasa 13% pa lamang o bumibilang sa 35,151 pa ang bilang ng mga nababakunahan, ang nasabing porsyento ay mula sa kabuuang higit sa. 266k na populasyon na dapat na mabakunahan upang maabot ang herd immunity ayon sa Batangas City Health Office.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Ayon sa impormasyon mula sa City Health Office ang 35,151 na mga residente ay nabakunahan na para sa unang dose habang nasa 2,065 naman ang fully vaccinated na sinimulan noong Abril bente uno hanggang a tes ng Hulyo.

Ang pagbabakuna ay isinagawa sa Batangas City Convention Center at SM City Batangas na itinalagang mga Batangas City COVID-19 vaccination centers. 

Read More:  PDEA seizes marijuana parcels, arrests one in Aklan

Inaasahang magtutuloy tuloy ang pagbabakuna ng CHO pagdating ng mga vaccines mula sa national government gayundin ng mga bakunang binili ng pamahalaang lungsod.