BICOL—Pumalo na sa 18,965 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng 203 na bagong kaso.
Pinakamarami ang nadagdag sa Camarines Sur na umabot sa 66 kung saan 12 nito ay mula sa lungsod ng Naga, tigsiyam ang bayan ng Pili at Bombon, pito sa bayan ng Goa, tig-apat ang bayan ng Bula at San Jose, tigtatlo ang bayan ng Bato at Siruma, dalawa sa bayan ng Baao, Calabanga, Libmanan, Nabua at Tigaon at tig-iisa ang mga bayan ng Buhi, Minalabac, Ocampo, Presentacion, San Fernando at lungsod ng Iriga.
48 bagong kaso naman ang naitala sa Masbate kung saan 20 nito ay mula sa Masbate city, 11 sa bayan ng Dimasalang, siyam sa bayan ng Claveria, tatlo sa bayan ng Mobo, dalawa sa bayan ng Aroroy at tig-iisa ang mga bayan ng Baleno, San Jacinto at Uson.
40 bagong kaso ang naitala sa Albay kung saan siyam nito ay mula sa bayan ng Daraga, pito sa lungsod ng Legazpi, lima sa lungsod ng Ligao, tig-apat ang bayan ng Oas at Sto. Domingo, tatlo sa bayan ng Polangui, tigdalawa ang bayan ng Guinobatan, Malilipot at Manito at tig-isa ang bayan ng Bacacay at Tiwi.
Ang lalawigan ng Sorsogon ay may 21 bagong kaso kung saan pito nito ay mula sa Sorsogon City, tigdadalawa ang mga bayan ng Barcelona, Donsol at Prieto Diaz at tig-iisa naman ang mga bayan ng Bulusan, Bulan, Casiguran, Castilla, Irosin, Matnog, Pilar at Sta. Magdalena.
17 bagong kaso ang naitala sa Camarines Norte kung saan tigtatatlo ang mga bayan ng Daet, Labo at San Vicente, tigdalawa ang bayan ng Mercedes at Sta. Elena at tig-iisa ang mga bayan ng Basud, San Lorenzo Ruiz, Talisay at Vinzons.
11 bagong kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Catanduanes kung saan apat nito ay mula sa bayan ng Viga, tatlo sa bayan ng Caramoran, dalawa sa bayan ng San Miguel at tig-isa ang bayan ng Bato at Panganiban.
Samantala, pumalo na sa 649 ang death toll matapos madagdagan ng anim, apat nito ay mula sa Albay at dalawa sa Sorsogon.
Sumampa na rin sa 13,678 ang recoveries matapos madagdagan ng 315 na mga bagong gumaling. 99 nito ay mula sa Albay, 94 sa Camarines Sur, 53 sa Masbate, 29 sa Camarines Norte, 21 sa Catanduanes at 19 sa Sorsogon.
Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.
𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.### || SLM

