Heat index sa Camarines Sur, 43°c pa rin kahit hapon na

CAMARINES SUR- Mapapapaypay at mapapunas ng pawis kahit hapon na,  sa Camarines Sur kase alas tres at alas sinco ng hapon na 43°C pa ang heat index!

Ito ay base sa record ng DOST-PAGASA Pili pero sa kabila ng init factor na ito, pasalamat ang Municipal Health Office dahil kahit ilang linggo nang napakainit ng panahon wala naman silang naitatalang mga sakit sa balat.

Read More:  Motorcycle rider dies in Toledo City collision with armored van

Ayon kay MHO Dr. Rafael Salles, marahil na napaghandaan ng publiko ang mga nararapat na gawin. Wala din silang naitatalang pagtaas ng bilang ng mga nag papacheck up sa high blood pressure at iba pang maaring maikabit sa init ng panahon.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu