P14.7-M NA HALAGA NG PANANIM NA MARIJUANA, SINUNOG

Sinira at sinunog kamakailan ng mga otoridad sa Tinglayan, Kalinga ang 73,950 na puno ng marijuana na nagkakahalaga ng 14.7 million pesos sa limang magkakahiwalay na operasyon .

Isinagawa ng Kalinga Police Provincial Office katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Kalinga ang operasyon sa pitong plantasyon ng marijuana sa Buscalan, Butbut Proper, Ngibat, at Loccong sa bayan ng Tinglayan.

Read More:  Army conducts live-fire exercises as HRAN flags risks to Sipalay residents

Ayon kay PCapt. Raffy Manganip, Deputy Community Relations Officer ng Kalinga Police Provincial Office, bahagi ito ng kanilang hakbang upang mapababa ang nakukuhang marijuana sa lugar na ikinakalat sa ibat ibang panig ng bansa.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Walang naaresto sa ikinasang operasyon.