Trilateral summit, inaasahang magbubunga ng $100B investment

Positibo ang pamahalaan na mag uuwi si Pangulong Bongbong Marcos ng 10billion USD na halaga ng investment deals sa Pilipinas mula sa makasaysayang trilateral summit kasama sina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida.

Ito ang pagtaya ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, batay sa inilatag na economic packages ng bansa sa iba’t ibang sektor kabilang ang energy, digital infrastructure, at cybersecurity.

Read More:  DepEd to form joint task force with DILG, PNP to strengthen school safety

Inaasahan na mararamdaman ito sa susunod na lima hanggang sampung taon.

Pagbabahagi pa ni Romualdez excited ang Pangulo sa isang energy company na planong mag supply ng maliit na nuclear power plants sa bansa.

Read More:  House summons Zuckerberg over social media safety

Makikipag pulong kasi ang Pangulo sa mga kompanya sa US kabilang ang Ultra Safe na isa sa malaking contenders na nag susupply ng small modular nuclear power plants.

Una nang binanggit ni Pangulong Marcos na sesentro ang trilateral summit sa pagpapalakas ng economic cooperation ng Pilipinas, Japan at US.