2-anyos na bata kabilang sa bagong tinamaan ng COVID-19 sa Naga

NAGA CITY – Nasa pangpublikong ospital  na Naga ang dalawang taong gulang na batang babae na tinamaan ng COVID-19.

Ang batang babaeng ito ay nakatira sa Barangay Balatas, wala naman itong sintomas. Sa report ng Health Emergency Response Task Force (HERTF) nahawaan lamang ito ng mismong kasama sa bahay, nanatili nama ang lockdown sa kanilang tahanan.

Read More:  PDEA seizes marijuana parcels, arrests one in Aklan

Ang ibang mga nagpositibo sa virus ay ang apat na senior citizens na mula sa mga barangay ng San Felipe, Concepcion Pequeña, Liboton.

Read More:  Fire hits PC Compound in Zamboanga City; Air Force helicopter joins response

Noong araw ng Martes, may panibagong namatay dahil sa komplikasyon ng COVID-19 na isang 43-taong gulang na babae na naninirahan sa Barangay Concepcion Pequeña. Siya ang ika-80 nasawi.