LEGAZPI CITY – Naghihintay pa rin hanggang ngayon ang National Nutrition Council (NNC) Bicol sa magiging resulta ng pagtitimbang sa mga bata sa buong rehiyon.
Ayon kay NNC Bicol Regional Director, Arlene Reario, may mga lalawigan, bayan o lungsod na halos may resulta na ngunit hindi pa naipapadala sa kanilang tanggapan dahil hinihintay pa ang ibang mga lugar.
Ang pagtitimbang ng mga bata ay taun-taong ginagawa sa mga barangay upang malaman kung tumataas o bumaba ang nutrisyon sa kanilang lugar tulad ng pagkabansot o sobra sa timbang ng mga bata.