Pagtapos ng giyera sa Gaza panalangin ng Muslim Community sa pagtatapos ng Ramadan

NAGA CITY- Malaking pagsubok para sa mga Palestino ngayong taon ang paggunita ng Ramadan sa gitna ng sigalot sa pagitan ng Israel at Palestine.

Ngayong araw ng Eid al-Fitr o pagtatapos ng Ramadan sinabi sa Brigada News FM ni Naga City Muslim Affairs Office Head Mike Mustapha, ipinapanalangin nila ang kapayapaan ng mga muslim lalo na ang mga nasa Palestine. Nakakaawa aniya ang sinapit ng mga naipit sa giyera lalo na ng mga bata.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu
Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City

Samantala, pasalamat si Mustapha dahil ramdam nila ang respeto ng mga Nague؜ño. Kaninang umaga nagtitipon sa mga mosque ang nasa 5,000 na mga muslim sa Naga at Camarines Sur upang ipagdiwang ang pagtatapos ng buwan ng pag-aayuno.