World leaders kinondina ang pagpatay kay Haiti President Jovenel Moise

Patay ang Presidente ng Haiti na si Jovenel Moise habang sugatan ang asawa nito matapos salakayin ng hindi pa tuloy na armadong grupo ang kanilang bahay sa national capital city Port-au-Prince.

Agad namang nagdeklara ng state of emergency sa buong Haiti si Interim Prime Minister Claude Joseph. Tinawag ni Joseph ang pagpaslang sa Presidente na isang barbaric act.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Sa inisyal na pahayag ni Joseph, mga dayuhan na English at Spanish speaking ang mga suspect na pumasok sa bahay ni Moise.

Napag-alamang nagpanggap na mga miyembro ng US drig enforcement operation ang mga suspect na nakaitim at may bitbit na high-powered na mga armas.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Si Moise ay nagsimulang manungkulan noong 2017 pero naharap sa malawakang protesta na nag-uudyok sa kanyang resignation sa tungkulin.

Agad namang nagpaabot ng pakikiramay sina UK Prime Minister Boris Johnson na tinawag na “abhorrent act” ang pangyayari at US President Joe Biden na tinawag na”horrific assasination ang krimen.