Paglabag nadiskobre sa ilang boadring house sa Naga City

NAGA CITY –Nadiskobre ang ilang paglabag nanaman sa ordinansa ng mga boarding houses sa Naga City sa sorpresang pag inspection partikular na sa Barangay Peñafrancia, na ginawa ng Consumer Protection Committee noong Martes Santo , Marso 26, 2024.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ayon kay Committee Chairman City Councilor Jess Albeus, karamihan sa mga violations ay walang mayor’s permit, illegal connection ng linya ng kuryente, hindi naka-rehistro, at hindi maayos ang comfort room.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Iyong mga may ganitong isyu ay inabisuhang mag-comply ng mga requirements, kompletuhin ang mga kailangan na dokumento para hindi na umabot pa sa punto na ipasara ang kanilang boarding house.