Lalaking nasa duyan, binaril-patay sa Pamplona, Camarines Sur

NAGA CITY- Tinapos ng bala ng baril ang buhay ng isang lalaki sa  San Isidro Pamplona, Camarines Sur kahapon.

Ayon sa ulat ng PNP pasado alas-12 ng tanghali nitong Linggo Marso 24, 2024 nang barilin ng hindi pa nakikilalang sakay ng motorsiklo ang 26-anyos na binatang biktima habang nasa duyan ito.

Read More:  ₱6 million marijuana plantation destroyed in Agusan del Sur

Napag-alaman na nilalakad sana ng biktima ang dokumento papuntang abroad, habang nasa probinsya. 

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PMaj. Michael Vince Fortunado sinabing wala pang malinaw na dahilan sa pamamaslang. Naghahanap ng mga kuha ng CCTV ang mga otoridad para sa pagkakakilanlan ng mga suspek sa nasabing krimen.