Extension ni Acorda bilang PNP chief, pag-uusapan pa raw ng DILG at ni PBBM

Pag-uusapan pa nina DILG Sec. Benhur Abalos at Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mangyayaring change of command sa hanay ng kapulisan.

Ayon kay Abalos, ilalatag niya ang mga performance ng mga heneral na posibleng pumalit kay PNP Chief PGeneral Benjamin Acorda.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

At the end of the day daw kasi, si Pangulong Marcos pa rin ang magdedesisyon kung sino ang itatalagang bagong pinuno ng Philippine National Police.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Pagdating naman sa extension, sinabi ng kalihim na hindi niya maaaring pangunahan ang presidente dito.

Samantala, may shortlist naman daw si Abalos na maaari niyang irekomendang maaaring ipalit Acorda.