Custodial Facility ng NCPO puno na dahil sa mataas na Crime Clearance Efficiency

NAGA CITY- Puno na ang custodial facility ng Naga City Police Office dahil marami ang naarestong mga wanted person at marami rin ang mahuhuli sa iligal na droga pati iba pang may kaso.

May nag set up na ng mga duyan at nagtatabi-tabi na rin sa pag-upo sa loob. Paliwanag ni City Director PCol. Marlon Catan, mataas kase ang crime clearance ng lungsod. Sa katunayan , nanguna nga ang NCPO sa Crime Clearance Efficiency. Marami ang nakakasuhan at naipakukulong.

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City
Read More:  7-meter whale shark found dead along Bacolod City coast

Subalit ang pagsisiksikan na ito ay hindi anggkop sa pandemya. Kaya ayon kay PCol. Catan, ipinaabot nya na sa alkalde ng Naga ang problema.

Samantala sa ngayon 1:500 ang ratio ng pulis sa Naga.