2 Pilipino – patay sa missile strike ng Houthi sa Yemen

Kinumpirma ng Department of Migrant Workeres (DMW) na may Pilipinong namatay sa missile strike ng Houthi sa isang barko sa Yemen.

Sa inisyal na ulat ng US Central Command – patay ang tatlong mga crew members ng M/V True Confidence sa pagpapakawala ng anti-ship ballistic missile (ASBM) ng Houthi.

Read More:  Palace says ‘no one is above the law’ as VP Sara seeks oral arguments in grave threats case

Sapul nito ang naturang barko kung saan, tatlo ang napaulat na nasawi; at mayroong ‘di bababa sa anim na nasugatan at tatlo ang kritikal.

Sabi ng DMW, dalawa ang namatay na mga Pilipino; habang mayroon ding dalawang Pinoy na nasugatan.

Read More:  Cendaña warns of legal action over online attacks targeting his medical condition

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang DMW para sa mga naulila nito.

Ito ang kauna-unahang casualties na naitala mula nang maglunsad ng missile attacks ang grupo.

Maaalalang sunud-sunod na ang mga ASBM na pinakawala ng Houthi kung saan, maliban sa True Confidence ay natamaan din nito ang MSC Sky II.