Mga Pilipinong obispo, nanawagan ng dasal para sa agarang paggaling ni Pope Francis

Nanawagan si Davao archbishop at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President Romulo Valles sa mga tao na ipagdasal ang mabilis na paggaling ni Pope Francis, na sumailalim sa surgery kamakailan.

Na-admit ang Santo Papa sa Gemelli Hospital sa Roma kung saan ay sumailalim siya sa surgery para sa colon diverticulitis. noong July 4.

Read More:  Marcos details government preparations for Undas travel surge

Ayon kay Valles, nakatanggap sila ng ulat na naging maganda ang tugon ni Pope Francis sa nasabing surgery.

Read More:  PPA prepares for expected surge in travelers during five-day ASEAN Summit holiday

Iginiit ni Valles na hindi nila makakalimutan ang beautiful at inspiring Apostolic visit ng Santo Papa sa bansa noong 2015.

Mula noon hanggang ngayon ay sinabi ni Valles na patuloy na nararamdaman ng mga Pilipino ang pagmamahal ng Santo Papa.