NAIA peste-serye: after surot – daga naman?

‘Di pa man natatabunan ang issue sa surot sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) – nag-viral na naman sa social media ang isa pang peste sa naturang paliparan.

Sa X post ng isang user – makiktia ang isang daga na nasa may mga ilaw ng NAIA Terminal 3.

Read More:  Ridon calls for probe into pro-Duterte, pro-China personalities

Kuwento ng uploader – papunta raw sana sila sa Singapore nang makita niya ang daga kaya niya ito na-videohan.

Read More:  Senate accepts Gerville Luistro’s apology over ‘wacky photos’

Nakuha niya raw ang eksena sa Boarding Gate 102.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang Manila International Airporty Authority (MIAA) hinggil sa naturang bagong video.