Bilang ng mga pulis na nasibak sa serbisyo mula buwan ng Enero, nasa 131

Nasa 131 na pulis na ang nasibak sa serbisyo.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, ang bilang ay mula buwan ng Enero hanggang nitong February 14.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Ayon kay Col. Fajardo karamihan ay sangkot sa absent without leave o AWOL cases.

Habang ang iba may grave offenses tulad ng robbery, illegal drugs, obstruction of justice at conduct unbecoming of a police officer.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Patuloy ang isinasagawang internal cleansing ng pulisya sa kanilang hanay.