People’s council, binuo sa Daraga; ilang pangunahing problema sa bayan, tututukan

LEGAZPI CITY – Inanunsyo ng lokal na gobyerno ng Daraga, Albay na mayroon nang People’s Council na binuo sa bayan.

Ito ang Daraga People’s Council na bahagi pa rin ng Sangguniang Bayan na pinapangunahan ni Seth Christopher Mendenilla.

Sa panayam sakanya ng Brigada News FM Legazpi, sinabi niya na layunin nito na magkaroon ng pagkakaisa ang mga nasa Daraga sa pamamagitan ng participative governance.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Aniya, bilang bahagi pa rin ng sanggunian, ang bawat miyembro ng civil society organization ay bibigyan ng assignment sa pamamagitan ng mga committee tulad ng Committee on Appropriations, Committee on Trade and Industry at marami pang iba.

Dagdag pa ni Mendenilla, ang mga miyembro ng konsehong ito ang siyang mga tatayong representative ng mga taga-Daraga sa Sanggunian.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Samantala, ilan naman sa mga tututukan ni Mendenilla bilang chairman ng konseho ay ang problema sa basura sa Brgy. Tabon-tabon partikular na pagdating sa waste collection.

Maliban dito, bibigyan din ng atensyon ang problema sa Daraga Prime Water at gagawan ng paraan upang ito’y matugunan.