6 na sundalo – patay sa engkuwentro laban sa Dawlah Islamiya sa Lanao del Norte

Patay ang anim na mga sundalo; habang sugatan ang apat na iba pa matapos makabakbakan ang mga ‘di umano’y miyembro ng Dawlah Islamiya sa Munai, Lanao del Norte.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Xerxes Trinidad – naganap ang engkwentro kahapon sa Brgy Ramain, ng naturang bayan.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Nagsasagawa ng Decisive Military Operation ang mga tropa sa area nang makaharap ang humigit-kumulang 15 myembro ng DI.

Sa ulat – mayroon ding tatlong miyembro ng DI ang napatay.

Nadala naman sa Camp Evangelista Hospital station ang mga sugatan.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang AFP para sa mga naulila ng mga napatay na tropa.

Kung maaalala – umabot na sa 18 ang bilang ng mga miyembro ng DI na na-neutralize ng kasundaluhan.

Kabilang na rito si alyas ‘engineer’ na sinasabing nasa likod ng pambobomba sa MSU.