SP Zubiri – kaagad na pipirmahan ang subpoena laban kay Pastor Quiboloy

Tiniyak ni Senate President Migz Zubiri na pipirmahin niya agad ang subpoena para kay Pastor Apollo Quiboloy matapos ang pagbabalik niya mula sa Visayas.

Ito ay matapos ang naging pahayag kahapon ni Senadora Risa Hontiveros na hindi pa napipirmahan ni Zubiri ang subpoena na kanilang isinumite.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Pagpapaliwanag ni Zubiri, naantala lang ang pagpirma niya rito dahil sa dami ng mga isyung nagsilabasan na umaatake sa Senado at maging sa demokrasya ng institusyon.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Kaugnay nito, naging tambak umano ang mga administrative work niya sa opisina kasama na rito ang nasabing pagpirma sa subpoena.

Ngunit sa kabila nito, tiniyak niyang nakahanda na ang dokumentong ito para sa kanyang pagpirma.