Pangangailangan ng mga apektado ng baha sa Caraga Region, pinatutugunan ni PBBM

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang situation briefing ngayong umaga sa Prosperidad Agusan del Sur hinggil sa epekto ng trough ng low pressure area sa CARAGA region.

Inalam ng Pangulo ang kalagayan ng mga apektadong pamilya at lawak ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura ng matinding pagbaha.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Habang isa-isa namang nag report sa Presidente ang mga local chief executives ng Agusan Del Sur, Agusan Del Norte, Surigao Del Sur, Surigao Del Norte at Butuan City.

Inilatag nila kung anong mga tulong ang kinakailangan nila lalo na sa mga nalubog sa baha ang tahanan.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Sa ngayon pinatututukan muna ni Pangulong Marcos ang tulong na mapapakinabangan agad ng mga residente.

Kaugnay nito pangungunahan rin ng Punong Ehekutibo ang distribution ng check assistance sa mga nabanggit na LGU.

Kasama naman sa situation briefing ang mga cabinet secretaries, at regional directors ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.