Water interruptions mararanasan ngayong Valentine’s Day sa Sagñay, CamSur

CAMARINES SUR- Magdiriwang ngayon ng Valentine’s Day nang walang tubig ang mga residente ng ilang barangay sa Sagñay, Camarines Sur.

Ayon sa Partido Development Administration-Partido Water Supply System (PDA-PWSS), apektado nang pagkawala ng tubig simula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon  ang porsyon ng Barangay San Isidro, Santo Niño at Nato dahil sa pagsasaayos ng mainline leak sa Barangay La Purisima at Nato.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Kinaumagahan, huwebes, Pebrero 15, makararanas rin ng water interruptions ang ilang lugar sa Tigaon at bahagi ng San Jose, kabilang ang lahat ng barangay sa bayan ng Goa na sakop ng PWSS simula alas nueve ng umaga hanggang alas-5 ng gabi.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing