Dagsa ng mga Katoliko sa dalawang malaking simbahan sa Naga City ngayong Ash Wednesday, pinaghandaan ng Barangay Council

NAGA CITY- Hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma o Ash Wednesday sa Simbahang Katolika ngayong Araw Pebreo 14, 2024, inaasahan ang pagdagsa ng mga Katoliko  sa mga simbahan.

Ang Barangay Council ng San Francisco , sinabi sa Brigada News FM Naga ni Kapitan Efren Nepomuceno nakalatag ang plano sa deployment ng mga barangay tanod. Katuwang nila ang mga pulis sa pagmamantine ng kapayapaan at kaayusan maging sa pamamahala sa daloy ng trapiko sa kasentrohan. Labas pasok ang mananampalataya sa San Francisco Church, gayundin sa Metropolitan Naga Cathedral. Kapag maraming bisita , nakaalalay din sila sa Archbishop’s Palace o sa Palasyo.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026
Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Asahan ang maraming pupunta sa simbahan mamayang hapon hindi lamang para magpa lagay ng krus sa noo kundi dumalo sa unang Via Crucis ngayong taon na alas- 5 ng hapon.