Panibagong trimobile terminal ilalagay sa van terminal sa Naga City na biyaheng Partido, Rinconada Area ng Camarines Sur at Albay  

NAGA CITY – Maglalagay ng panibagong trimobile terminal ang Naga City Federation Trimobile Operators Drivers Association sa van terminal na biyaheng palabas ng lungsod na patungo sa Partido, Rinconada area at sa lalawigan ng Albay.

Aksyon ito ng FETODA sa reklamo ng mga pasahero na diretsong bumaba sa naturang terminal na walang masakyang trimobile patungo sa destinasyon nila sa loob ng Naga City, ang lahat ay pinoproseso na.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Barangay Kagawad Gil Belen,  Presidente ng naturang Pederasyon kaugnay na rin sa pagpatupad ng ordinansang bawal mag terminal kun saan-saan ang mga trimobile lalo na ngayong may isyu sa Almeda Highway.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Aniya’y magpupulong pa sila ng mga kasamahang driver operators, para sa katuparan ng planong ito, sabi pa ni Belen.