PNP Libmanan may abiso ukol sa umano’y lalaking may baril at samurai

NAGA CITY – Nagpaalala ang Municipal Police Station ng Libmanan, Camarines Sur ukol sa umano’y lalaking pagala-gala sa bayan na may dalang baril at samurai, na nagdala ng takot at panganib sa mga residente partikular sa Barangay Palangon, Camambugan at Padlos, na kaagad i-report sa kanila sakali mang may makakita o nakakakilala.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa panayam kay Police Lieutenant Colonel Alex Peña-fiel, Chief of Police ng Libmanan Municipal Police Station, sa ilang beses kasing report at pag-iimbistiga, hindi nila nakita ang mismong tao, na suspek sa pagpatay sa Camarines Norte, ni kahit ang bakas ng magpapatunay na nasa lugar nga ang suspek.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Kung kaya’t may katutuhanan man o wala, nananawagan pa rin ang himpilan sa kung sinoman ang makakakita o makakakilala sa naturang suspek ay kaagad na ireport sa kanila upang maaksyunan, at ipinaalala na rin na maging mapagmatiyag at maging ma-ingat sa paligid.