PhilHealth, nagbabala hinggil sa pekeng website

Nagbabala ang Philippine Health Insurance Corporation laban sa mga modus na website na gumagamit ng pangalan ng ahensya upang mag-alok ng financial loan.

Sinabi ng PhilHealth na nagbibigay lamang ito ng agarang benepisyo at serbisyo para sa medikal na kondisyon o surgical procedures ng mga benipisyaryo na sakop ng PhilHealth Konsulta.

Read More:  Paolo Duterte blasts Marcos’ 2026 SONA, questions silence on flood control, PhilHealth, Maharlika fund

Paalala ng PhilHealth sa mga miyembro na walang loan sa kanilang tanggapan.

Read More:  PNP probes possible link between DOJ and Senate IED incidents

Pinayuhan din ang publiko na iwasan ang paggamit ng website na “digido.ph” para makakuha ng loan sa pamamagitan ng PhilHealth.