Nanindigan si Pangulong Bongbong Marcos na hindi kinikilala ng konstitusyon ang right to rebellion, at sinabing may katapat itong parusa sa ilalim ng batas.
Binigyang diin ng Pangulo na mahigpit na ipinatutupad ng pamahalaan ang mga batas na ito batay sa diwa at nakasulat at wala aniyang exception sa implementasyon nito.
Aniya, ang ating Saligang Batas ay nananawagan ng pagkakaisa at undivided country.
Hindi tulad ng ibang Konstitusyon, sinabi pa ng Pangulo na walang anumang bahagi ng ating Saligang Batas na nagpapahintulot na wasakin ang pagkakaisang ito gaya ng isang ‘exit provision’.